Liza Soberano, spotted na nagmamaneho ng BMW na nagkakahagalaga ng mahigit Php8 million

Liza Soberano, spotted na nagmamaneho ng BMW na nagkakahagalaga ng mahigit Php8 million

- Spotted si Liza Soberano na nagmamaneho ng isang BMW sa Los Angeles

- Sinasabing ang halaga umano ng sasakyang ito ay may katumbas na mahigit Php8 million

- Siya ay sandaliang na-interview ng content creator na si Daniel Mac

- Doon niya nabanggit na isa siyang aktres subalit ang karamihan ng kanyang proyekto ay sa Pilipinas

Naispatan si Liza Soberano na nagmamaneho ng BMW i8 sa Los Angeles California kamakailan.

Liza Soberano, spotted na nagmamaneho ng BMW na nagkakahagalaga ng mahigit Php8 million
Liza Soberano (@itsdanielmac)
Source: Instagram

Ibinahagi ito ng content creator na si Daniel Mac at natanong siya nito ng "What do you do for a living?" Ito ang kanyang natatanong sa mga 'nakakasalubong' niyang nagmamaneho ng mga luxury cars tulad ng sasakyan ni Liza sa araw na iyon.

"I'm an actress. But a lot of my work is in the Philippines so you probably don't recognize me."

Sa IG post ni Daniel nilarawan niya si Liza bilang "the biggest Filipino actress."

Read also

Patrick Garcia, nabanggit na si Anne Curtis ang unang nambasted sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang hingan niya ito ng advice, "just be true to yourself and take risks," ang nasabi ni Liza.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, umani ng papuri si Liza sa pagganap niya sa pinakaunang Hollywood project na kinabilangan niya, ang 'Lisa Frankenstein'. Nito lamang Enero ng kasalukuyang taon, sa pagdiriwang ni Liza ng kanyang kaarawan, naging agaw-pansin sa social media ang mga larawang naibahagi niya sa kanyang Instagram post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel