Patrick Garcia, nabanggit na si Anne Curtis ang unang nambasted sa kanya

Patrick Garcia, nabanggit na si Anne Curtis ang unang nambasted sa kanya

- Nabanggit ni Patrick Garcia na ang unang nambasted sa kanya ay ang aktres na si Anne Curtis

- Isa ito sa mga naitanong sa kanya Sa Fast Talk with Boy Abunda

- Maging si Boy Abunda ay nagulat nang pangalanan ni Patrick ang unang bumigo sa kanya

- Kasama si Patrick sa Netflix project na ipalalabas sa April 12 kung saan makakasama niya muli sina Kaye Abad at Paolo Contis

Hindi inaasahang mabanggit ni Patrick Garcia ang pangalan ni Anne Curtis bilang unang nambasted sa kanya.

Patrick Garcia, nabanggit na si Anne Curtis ang unang nambasted sa kanya
Patrick Garcia (@onlypatrickgarcia)
Source: Instagram

Sa Fast Talk with Boy Abunda, isa ito sa naging tanong sa kanya ng host.

Maging si Boy Abunda ay napa-"Oh!" nang mabanggit ni Patrick si Anne.

Sa ibang tanong ni Boy kay Patrick, nasasabi nitong 'pass' or 'secret' subalit nang tanungin niya ito sa kung sino ang unang nambasted sa kanya, agad niyang nasabi na si Anne.

Read also

Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Matagal na 'to," ani Patrick. "Mga 1999 pa 'to," pagdedetalye pa niya

"Ngayon ko lang sinabi 'to. Sorry guys," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng interview ni Boy kay Patrick Garcia kung saan kasama rin nito si Paolo Contis:

Si Patrick Garcia ay isang aktor na unang nakilala nang mapasali siya sa pelikulang "Separada" noong 1994. Ilan sa mga ginawa niyang teleserye ay "Gimik", "Araw-araw, gabi-gabi", at "Asero." Siya ang nakababatang kapatid ng dating aktres na si Chesca Garcia. Pinsan siya ang mga aktres na sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras. Nagkaroon siya ng anak sa dating karelasyon na si Jennylyn Mercado. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang kanilang samahan.

Sa katunayan, maging ang kasalukuyan nitong asawang si Nikka Garcia ay malapit kay Alex Jazz. Marami sa mga netizen ang natuwa sa pagbati nina Jennylyn at Nikka tuwing sumasapit ang kaarawan ni Alex Jazz.

Read also

Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment

Ngayon, bibida muli si Patrick kasama ang ilang 'Tabing Ilog' co-stars na sina Paolo Contis at Kaye Abad sa Netflix film na A Journey. Mapapanood ito simula Abril 12 kaya naman marami nang nasasabik na mapanood na magkakasama muli ang tatlo makalipas ang ilang dekada.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel