Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie

Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie

- Natawa na lang si Sarah Lahbati nang tanungin siya ng kanyang reaksiyon kaugnay sa ex niyang si Richard Gutierrez na naiuugnay kay Barbie Imperial

- Aniya, NR o No reaction siya sa usaping ito na lumabas kasabay ng paglabas din ng picture niya na may lalaking kasama

- Matatandaang may mga litratong kumakalat na makikita si Richard at ang aktres na si Barbie Imperial

- Simula nang lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Richard ay nanatiling positibo at matipid ang sagot ni Sarah sa mga usapin na may kinalaman kay Richard

Natanong kay Sarah Lahbati ang tungkol sa pag-uugnay ng kanyang ex na si Richard Gutierrez kay Barbie Imperial. NR o 'No Reaction' ang sagot ni Sarah sa naibahaging video ni MJ Marfori.

Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie
Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie
Source: Instagram

Sa kabila ng mga spekulasyon at kuro-kuro na umiikot, binigyan ni Sarah ng 'no reaction' na tugon, ang tanong sa kanya tungkol dito.

Read also

Dominic Roque, pinusuan ang Instagram post ni Bea Alonzo

Ang pagbibigay ni Sarah ng 'no reaction' na sagot ay nagpapahiwatig ng kanyang desisyon na manatiling pribado at respetuhin ang kanyang dating kaugnayan kay Richard. Ipinakita rin niya ang kanyang kagustuhang hindi maging bahagi ng mga ispekulasyon at tsismis sa industriya.

Matatandaang simula nang lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Richard ay nanatiling positibo at matipid ang sagot ni Sarah sa mga usapin na may kinalaman kay Richard.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sarah Lahbati ay isang Filipina-Moroccan actress at isang modelo. Ipinanganak noong Oktubre 9, 1993, siya ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Naging bahagi si Sarah ng mga finalists sa reality show na "StarStruck" ng GMA Network noong 2009.

Matatandaang nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire. Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.

Read also

Cristy, sinabing #1 TVC endorser si Kathryn na kumikita umano ng Php400K per taping

Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel