Cristy, sinabing #1 TVC endorser si Kathryn na kumikita umano ng Php400K per taping

Cristy, sinabing #1 TVC endorser si Kathryn na kumikita umano ng Php400K per taping

- Napag-alaman umano ni Cristy Fermin na si Kathryn Bernardo ang number one TV commercial endorser si Kathryn Bernardo

- Aniya, tumataginting na Php400,000 ang kinikita raw nito kada taping

- At sakaling lumampas pa raw ito sa itinakdang oras ng taping, makatatanggap pa ito ng karagdagan na ang halaga ay kalahati ng nasabing kinikita

- Deserve naman daw ito ni Kathryn ayon kay Cristy sa dami ng pinagdaanan at sakripisyo nito sa kanyang karera sa showbiz

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ibinahagi ni Cristy Fermin ang napag-alaman na halaga 'di umano ng kinikita ni Kathryn Bernardo.

Cristy, sinabing #1 TVC endorser si Kathryn na kumikita umano ng Php400K per taping
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Aniya, masasabing number TVC endorser si Kathryn na kabi-kabila pa rin ang proyekto.

Tumataginting na Php400,000 umano ang natatanggap ni Kathryn sa kada taping ng kanyang proyekto. At sakaling lumampas pa sila sa inaasahan lamang oras ng taping, may karadagang halaga pa niya natatanggap

Read also

Ivana, ido-donate sa Antipolo church ang lahat ng kikitain ng isa niyang vlog

"Kapag ikaw ay isang Kathryn Bernardo na kumikita ka sa isang araw na taping mo na kapag lumabis pa 'yung oras at sumampa ka pa ng ilang oras sa susunod, may half pa 'yun."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit sa kabila ng lahat nang ito, kahanga-hanga raw si Kathryn na nananatiling mapagpapakumbaba.

"Pero alam mo, si Kathryn, kahit na sikat na sikat, matagumpay, pantay-pantay pa rin siyang tumingin sa tao. Hindi nagbago. 'Di ba pinupuri siya ng mga kaibigan niya? Wala sa kanyang isip, sa kanyang puso na siya ay sikat at kumikita ng ganyan kalaki. Ang tingin niya sa lahat ng tao, pantay-pantay pa rin."

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel Chika, at Wendell Alvarez

"Kapag ikaw ay isang Kathryn Bernardo na kumikita ka sa isang araw na taping mo na kapag lumabis pa 'yung oras at sumampa ka pa ng ilang oras sa susunod, may half pa 'yun."

Read also

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita noon bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Samantala sa 28th birthday ni Kathryn, isang makabuluhang mensahe ang handog ng kanyang inang si Min Bernardo. Nilarawan niya si Kath na "you haven’t felt okay lately" subalit kahanga-hanga umano ito kung paano bumabangon araw-araw at hindi sumusuko at labis umano niyang na-appreciate ang pagpapahalaga ni Kathryn sa paggabay ng pamilya niya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel