Moi Marcampo kay Piolo Pascual: "3 years na lang papi 50 ka na akin ka na"

Moi Marcampo kay Piolo Pascual: "3 years na lang papi 50 ka na akin ka na"

- Nag-post si Moi Marcampo ng kanyang birthday message para kay Piolo Pascual kalakip ng isang video kung saan magkasama sila

- Aniya, tatlong taon na lang ay 50 na si Papa P at magiging kanya na daw ito

- Makikita sa video ang closeness nila lalo at matagal din na naging P.A. ni Piolo si Moi hanggang sa nag-artista na rin ito

- Marami ang muli ay napa-sana all kay Moi sa pagiging malapit nito kay Piolo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Moi Marcampo si Piolo Pascual sa kaarawan nito. Sa kanyang post sa Instagram ay binahagi ni Moi ang isang video at ang mensahe nito kay Papa P.

Moi Marcampo kay Piolo Pascual: "3 years na lang papi 50 ka na akin ka na"
Moi Marcampo kay Piolo Pascual: "3 years na lang papi 50 ka na akin ka na"
Source: Instagram

Hirit pa ni Moi, tatlong taon na lang daw at magiging 50 taong gulang na si Piolo at mapapasakanya na daw ito.

Read also

Miles Ocampo, napatawad na si Elijah Canlas: "Parang lahat naman ng tao nagkakamali"

Akala ko lasing na, sabi ko pa kiss ayaw haha, 3 years na lang PaPi 50 kana akin kana haha chariz!! Happy birthday wabyu more ❤️ @piolo_pascual

Marami ang muli ay napa-sana all kay Moi sa pagiging malapit nito kay Piolo:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang pinakamaswerteng nilalang
Haha sana all @moibienne haha pangarap namin lahat yan pa isa nmn
@moibienne buti ka pa malapit ng maging sa yo si papaP

Matatandaang palaging binibiro ni Moi si Piolo na baka sila na ang magkatuluyan pag umabot ito sa 50 nang wala pa ring asawa.

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Read also

Cristy, nabalitaang lagi umanong lasing si Daniel Padilla

Nasabi ni Piolo na hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin. Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte.

Trending video ni Piolo Pascual kung saan makikita siyang sumasayaw sa dance floor. Hindi ito nagpatalo sa dance showdown sa lalaking kasama niya sa video na hindi kita ang mukha dahil nakatalikod ito. Bukod sa kanyang kapogian, marami ang nagsabing mukha itong hindi tumatanda. Umani ng samu't-saring komento ang video na ito na binahagi sa TikTok ng isang netizen na may handle na @alisababy30.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel