Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang 'audition' video

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang 'audition' video

- Kinaaliwan ang video ni Sarina Hilario kung saan ayon sa caption ay nag-audition daw siya sa dance contest

- Makikita sa video ang bibong pagsagot ni Sarina sa mga tanong ni Jhong sa kanya bago siya sumayaw

- Marami ang naaliw sa kanya dahil bukod sa pagiging bibo ay napaka-charming na bata ito ayon sa mga netizens

- Sa kasalukuyan ay isa si Sarina sa mga batang may maraming followers at fans sa social media

Kinaaliwan si Sarina Hilario sa video na ayon sa caption ay nag-audition daw sa dance contest. Umani ng komento ang kanyang pagsasayaw ng 'Water'

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang 'audition' video
Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang 'audition' video
Source: Facebook

Marami ang naaliw sa bibong pagsagot ni Sarina sa mga tanong sa kanya bago siya magsimulang sumayaw. Naitanong sa kanya ang kanyang buong pangalan at ang kanyang lugar ng tinitirhan.

Alam nito maging ang lungsod at barangay kung saan sila nakatira. Kinaaliwan ang kanyang kabibuhan at pagiging charming. Narito ang ilang komento:

Read also

Karla Estrada kay Daniel Padilla: "Lahat ng gagawin mo ay ialay mo sa Panginoon"

Wowwoow super sarina..you bring joy to everyone..we love you baby

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

OMG! Simple moves pero very graceful brava Sarina
Super cute and super talented na bata,we love you Sarina

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel