Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok

Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok

- Ayon kay Christian Vasquez, hindi niya siniseryoso ang mga komento sa kanya sa TikTok

- Hindi daw niya tinatanggap bilang offensive o nakakabastos ang mga komento sa kanya

- Ito ang naging pahayag ni Christian sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel

- Aminado si Christian na may natatanggap pa rin daw siyang indescent proposal pero aniya ay hindi naman sigurado kung totoo ito

Para kay Christian Vasquez, hindi niya siniseryoso ang mga komento sa kanya sa TikTok. Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya, sinabi niyang hindi naman siya na-offend sa mga komento.

Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok
Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok
Source: Youtube

Ayon kay Christian, noong pandemya ay nagpatayo sila ng bahay at na-depress sila ng asawa niya dahil sa naging problema sa contractor. Ito ang kanyang naging paraan para hindi matalo ng kalungkutan.

Hindi daw niya alam kung paano siya magre-react sa mga komento sa kanya. Ayaw daw niyang maging confident na pinagpapantasyahan daw siya.

Read also

Aiko Melendez: "Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kami"

Ang mahalaga daw ay nag-eenjoy ang mga netizens sa kanyang mga post. Aminado siyang natatakot din siyang magsalita kaya facial expression na lang ang kanyang pangsagot sa mga komento.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Read also

Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel