Aiko Melendez: "Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kami"

Aiko Melendez: "Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kami"

- Kinaaliwan ang hirit ni Aiko Melendez sa manager niyang si Ogie Diaz kasunod ng inilabas nitong balita tungkol sa mga showbiz breakups

- Ani Aiko, kahit manager niya si Ogie ay kung pwede ay layuan daw muna niya silang mga kumakapit nang mahigpit sa kanilang relasyon

- Matatandaang ang pinakahuli ngang breakup na naibalita ni Ogie ay yung tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Kabilang ang Jericho-Kim, KimXi, KathNiel at BeaDom sa mga magkakapares na naghiwalay na kinumpirma ni Ogie sa kanyang online show

Pabirong sinabihan ni Aiko Melendez ang manager niyang si Ogie Diaz na layuan daw muna silang mga nakakapit nang pagkahigpit-higpit sa kanilang mga relasyon. Ito ay kasunod ng sunod-sunod na breakups na kinumpirma ni Ogie.

Aiko Melendez: "Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kami"
Aiko Melendez: "Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kami"
Source: Facebook

Ani Aiko, kahit manager niya ito ay lumayo na lang daw muna siya sa kanila.

Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kaming mga nakakapit ng pagkahigpit higpit sa aming mga relasyon

Read also

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

Awit sabay sabay sino dito ang nakakapit pa?

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kabilang ang Jericho-Kim, KimXi, KathNiel at BeaDom sa mga magkakapares na naghiwalay na kinumpirma ni Ogie sa kanyang online show. Dahil dito ay umani ng hindi magandang komento ang showbiz insider lalo na noong una niyang ilabas ang tungkol sa balita.

Marami sa mga tagahanga ng mga tambalang ito ang hindi makapaniwala at sinabihan pa si Ogie na fake news peddler.

Gayunpaman, kinalaunan ay lumabas na totoo ang kanyang mga naibahagi sa kanilang show na Ogie Diaz Showbiz Update.

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Read also

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'

Masayang ibinida ni Aiko Melendez ang ilang mga larawan mula sa kanyang graduation. Kasama ni Aiko ang kanyang mga anak na sina Andrei at Marthena na pawang inspirasyon niya sa pagtatapos. Inabot man daw siya ng ilang taon bago makapagtapos, masaya siyang napagtagumpayan pa rin ito. Si Aiko ay kasalukuyang naglilingkod bilang konsehal ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Tatanggap na muli ng mga showbiz projects ang aktres na si Aiko. Ito ay matapos na maka-graduate na siya sa kolehiyo na siyang naipangako niya sa kanyang mga anak. Aminado si Aiko na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pagkamit ng kanyang diploma. Ito ay dahil sa iba't ibang gampanin ni Aiko na bukod sa pagiging isang artista ay konsehal din ng ikalimang distrito ng Quezon City.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel