Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

- Isa sa napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ay ang mga naging komento ng netizens kay Carla Abellana

- Partikular na umano ang kanyang mga ibinibentang pre-loved items

- Umani ito ng mga hindi kagandahang komento kung saan napa-react din umano si Carla ukol dito

- Ani Ogie, magsilbing aral umano ang pangyayaring ito para kay Carla

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Showbiz Update channel ay ang tungkol sa kontrobersyal na pagbebenta ni Carla Abellana ng kanyang mga pre-loved items.

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Sa post ni Carla ng kanyang mga ibinibentang dating gamit, umani ito ng hindi kagandahang mga komento mula sa mga netizens.

Masasabing tila 'below the belt' ang naging komento ng ilang mga netizens hindi lamang sa mga itinitinda ni Carla kundi maging sa pagkatao na rin niya.

Read also

Papi Galang: "May contract kami dito sa ToRo Family. Makikita't makikita niyo ako dito"

Dahil dito, magsilbing aral umano kay Carla ang naturang pangyayari ayon kay Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Siguro lesson learned din ito kay Carla 'no. Na lahat ng kanyang tinitinda e dapat nasa maayos pa ring kondisyon. Kumbaga, kahit sa tunay na buhay, sa personal na makita mo 'yun, ay maayos pa pala! E kasi nga maayos pa 'yung picture."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Nagpakasal sina ni Tom Rodriguez at Carla Abellana noong Oktubre 2021 Subalit sa pagpasok ng taong 2022, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng dalawa. Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na ni Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Read also

Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok

Samantala, sa panayam ni Morly Alinio sa ama ni Carla na si Ray PJ Abellana, sinabi nitong nagkusang pumunta noon si Tom sa kanya para magpatulong sa sitwasyon nila noon ni Carla. Subalit mismong si Carla raw ay hindi nakipag-usap sa kanya tungkol sa naganap matapos lamang ang ilang buwan mula nang siya ay ikasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel