Papi Galang: "May contract kami dito sa ToRo Family. Makikita't makikita niyo ako dito"

Papi Galang: "May contract kami dito sa ToRo Family. Makikita't makikita niyo ako dito"

- Nagsalita si Papi Galang tungkol sa kanyang muling pagpapakita sa ToRo family

- Aniya, may kontrata sila kaya mapapanood at mapapanood siya sa kanilang reality show

- Maging sa kanyang mga post sa social media ay gamit pa rin ni Papi ang hashtag na #ToRoFamily

- Matapos ang naging sagutan nina Papi at Toni Fowler, inakala daw ng netizens na hindi na kasama si Papi sa mga videos ng ToRo

Ayon kay Papi Galang, may kontrata sila sa ToRo family. Kaya naman kahit mainis ang viewers sa kanya, mapapanood at mapapanood daw siya sa reality show nila.

Papi Galang: "May kami dito sa Toro Family. Makikita't makikita niyo ako dito"
Papi Galang: "May kami dito sa Toro Family. Makikita't makikita niyo ako dito"
Source: Youtube
Oo bumukod ako ng bahay pero may contract kami dito sa ToRo family. Mainis kayo sa mainis, maurat kayo kung anumang maramdaman niyo pero wala kayong magagawa. Makikita't makikita niyo ako dito. At kahit anong sabihin niyo, anuman ang gawin ninyo, mapapanood niyo ako dito.

Read also

Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok

Maging sa kanyang mga post sa social media ay gamit pa rin ni Papi ang hashtag na #ToRoFamily.

Naging awkward ang kanilang muling pagsasama sa photoshoot nila para sa isang endorsement ng furniture store.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng ToRo family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Read also

Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel