Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family

Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family

- Pumunta si Papi Galang sa endorsement shoot ng ToRo family sa kabila ng naging sagutan nila nina Toni at Marie Fowler

- Aniya, may kontrata sila kaya kahit anong mangyari ay kasama pa rin siya sa ToRo family

- Ito ay ang endorsement shoot nila para sa isang furniture store kung saan umorder si Papi ng gamit nila sa nilipatang bahay

- Dahil sa kanilang naging sagutan ay hindi maiwasang naging awkward ang kanilang muling pagkikita at pagsasama

Ginulat ni Papi Galang ang miyembro ng ToRo fam nang pumunta siya sa endorsement shoot nila. Hindi raw nila inasahang pupunta siya dahil sa naging sagutan nila ni Toni Fowler.

Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family
Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family
Source: Youtube

Hindi naman nakaligtas si Papi sa mga pasimpleng pang-aasar at pasaring ni Toni. Sa isang bahagi ng shoot ay hindi rin siya isinali at nakaupo lang siya sa gilid. Gayunpaman, may mga bahagi naman na kasali sila ng kanyang mag-aama.

Read also

Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukasn kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakealaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel