Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi

Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi

- Para kay Xian Gaza, hindi kapani-paniwala ang haka-hakang umano ay may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi

- Aniya, sa dami ng followers nito ay malakas itong kumita at baka raw isang posting niya ng produkto ay mahina na ang 500K pesos

- Gayunpaman, aminado siyang hater daw siya nito dahil sa aniya'y scripted nito na mga prank

- Nilinaw niyang wala naman siyang tinutukoy na pulitiko ngunit aniya ay maganda ang estado ng buhay ni Ivana kaya aniya ay hindi nito papasukin ang magulong mundo

Aminado si Xian Gaza na hater siya ni Ivana Alawi dahil sa aniya'y mga scripted pranks nito. Gayunpaman, aniya ay hindi kapani-paniwala na may 'sponkey na pulitiko' si Ivana.

Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi
Xian Gaza, hindi naniniwalang may 'sponkey na pulitiko' si Ivana Alawi
Source: Facebook

Ani Xian, ay hindi na kailangan ito ni Ivana dahil sa lakas ng kanyang kita sa mga sposored posts lalo at marami siyang followers sa iba't-ibang social media platforms.

Read also

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'

Aniya, sa dami ng followers nito ay malakas itong kumita at baka raw isang posting niya ng produkto ay mahina na ang 500K pesos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel