Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'

- Nag-post si Ivana Alawi ng isang napapanahong quote card sa gitna ng kinasasangkutang isyu

- Iniuugnay si Ivana kay Bacolod City Mayor Albee Benitez matapos umanong mamataang magkasama sa airport papuntang Japan

- Nauna na ring nasabi ni Ivana sa vlog ni Bea Alonzo ang tungkol sa kanyang karelasyon

- Gayunpaman, hindi pinangalanan ni Ivana ang taong ito at nais daw niyang mapanatili itong pribado

Binahagi ni Ivana Alawi ang isang napapanahong quote sa gitna ng pagkakaugnay sa kanya kay Bacolod City Mayor Albee Benitez. Wala pang nilalabas na pormal na pahayag si Ivana kaugnay sa isyung ito.

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'
Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'
Source: Instagram
A clear conscience laughs at a false accusation.

Ito ang nakalagay sa binahaging IG story ni Ivana.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'
Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'
Source: Instagram

Matatandaang sa vlog ni bea Alonzo na inilabas noong Disyembre ay nabanggit ni Ivana ang tungkol sa kanyang relasyon. Hindi daw ito artista at hindi na rin niya pinangalanan.

Read also

Toni Fowler, ibinida ang bonggang dressing room: "Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay?"

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Read also

Javi Benitez, usap-usapan dahil sa binahaging laughing emoji

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel