Toni Fowler, ibinida ang bonggang dressing room: "Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay?"

Toni Fowler, ibinida ang bonggang dressing room: "Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay?"

- Pinasilip ni Toni Fowler ang isang malaking dressing room sa pamamagitan ng kanyang TikTok video

- Nagpahiwatig si Toni na lilipat din siya ng bahay at mas malaki daw ang dressing room dito

- Umani ng milyon-milyong views ang video niya na ito matapos lamang ang isang araw

- Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat kamakailan ni Papi Galang ng bahay para tuluyan na silang makapagbukod kasama ang kanyang pamilya

Ibinida ni Toni Fowler sa kanyang TikTok video ang malaking dressing room. Aniya, lilipat din daw siya ng bahay.

Toni Fowler, ibinida ang bonggang dressing room: "Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay?"
Toni Fowler, ibinida ang bonggang dressing room: "Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay?"
Source: TikTok

Makikita sa binahaging video ni Toni ang kanyang pagpasok sa isang silid na aniya ay ang dressing room. Pasimple nitong tinanong sa isang tao kung akala daw nito siya lang ang lilipat ng bahay.

Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay? Mas malaking dressing room

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family

Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat kamakailan ni Papi Galang ng bahay para tuluyan na silang makapagbukod kasama ang kanyang pamilya. ito ay matapos ang kontrobersiyal na sagutan nila ni Toni at kapatid ni Toni na si Marie Fowler.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe tungkol sa 'false accusation'

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel