Javi Benitez, usap-usapan dahil sa binahaging laughing emoji

Javi Benitez, usap-usapan dahil sa binahaging laughing emoji

- Umani ng reaksiyon ang post ni Javi Benitez sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang ama

- Wala naman itong direktang pahayag sa kanyang post ngunit nabibigyan ito ng kulay ng netizens

- Matatandaang naglabas ng pahayag si Mayor Albie kaugnay sa pag-uugnay sa kanya sa isang kilalang personalidad

- Direktang pinabulaanan naman ni Ivana Alawi na siya ang girlfriend ni Mayor Albie

Nagbahagi si Javi Benitez ng post na ikinaintriga ng mga netizens. Sa kanyang Instagram story ay nagbahagi siya ng tatlong laughing emojis.

Javi Benitez, usap-usapan dahil sa binahaging laughing emoji
Javi Benitez, usap-usapan dahil sa binahaging laughing emoji
Source: Facebook

Wala namang ibang sinabi ang alkalde ng Victorias City ngunit hindi maiwasang malagyan ng ibang kahulugan ang naturang post niya lalo at mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan ang pagkakaugnay ng ama sa isang sikat na personalidad.

Nauna nang nagsalita si Ivana Alawi at diretsahang pinabulaanan ang espikulasyong siya ang karelasyon ni Mayor Albee. Ani Ivana, nanahimik siya ng ilang araw dahil para sa kanya ay hindi naman kailangang sumagot kung alam naman daw niyang wala siyang ginagawang masama.

Read also

Papi Galang, pumunta sa endorsement photoshoot ng Toro family

Nilinaw din ni Ivana na businessman ang kanyang karelasyon ay hindi politiko. Paglilinaw niya nakilala niya si Mayor Albee nang pumunta siya sa Bacolod dahil sa trabaho at hindi lang naman daw si Mayor Albee ang kaibigan niyang politiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Javi Benitez ay kasalukuyang mayor ng Victorias City sa Negors Occidental. Anak siya ng Bacolod city Mayor na si Albee Benitez na kilala din bilang prodyuser ng Brightlight Productions. Si Javi ang kasintahan ng aktres na si Sue Ramirez.

Matatandaang pinabulaanan ng asawa ni Albee Benitez na si Nikki Benitez ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Sa kanyang statement na pinadala sa media, sinabi niyang walang naging pag-uusap tungkol sa paghihiwalay o annulment ng kanilang kasal. Iginiit niyang naninirahan silang mag-asawa sa iisang bubong sa loob ng 31 na taon.

Naglabas din si Mayor Albee ng stament kamakailan kaugnay sa pagkaka-link niya sa isang sikat na personalidad. Matatandaang lumabas ang bali-balitang ito matapos umanong mamataan silang magkasama papuntang ibang bansa. Hindi naman binaggit ni Mayor Albee kung sino ang personalidad na ito. Humiling ng pang-unawa at respeto sa kanilang privasy ang alkalde ng Bacolod para daw hindi madamay ang aniya'y 'innocent parties involved.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel