Karla Estrada kay Daniel Padilla: "Lahat ng gagawin mo ay ialay mo sa Panginoon"

Karla Estrada kay Daniel Padilla: "Lahat ng gagawin mo ay ialay mo sa Panginoon"

- Kabilang sa ipinayo ni Karla Estrada sa anak na si Daniel Padilla ay ang pag-alay ng lahat ng gagawin niya sa Panginoon

- Ito ang kanyang bilin sa anak nang magbigay siya ng mensahe kay Daniel sa contract signing nito kamakailan sa ABS-CBN

- Inihayag din niya ang kanyang pagmamalaki sa anak sa layo ng narating nito sa kanyang karera bilang artista

- Binati niya si Daniel sa kanyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan

Nagbahagi si Karla Estrada ng kanyang payo para sa anak na si Daniel Padilla sa contract signing nito sa ABS-CBN. Aniya, anuman ang dadaanan niya ay galingan niya at ialay sa Panginoon.

Karla Estrada kay Daniel Padilla: "Lahat ng gagawin mo ay ialay mo sa Panginoon"
Karla Estrada kay Daniel Padilla: "Lahat ng gagawin mo ay ialay mo sa Panginoon"
Source: Instagram
Lahat ng gagawin mo ay ialay mo sa Panginoon at hinding-hindi ka magkakamali.

Masaya daw sila ng kanilang angkan na matupad nila ang kanilang binitawang salita na hinding-hindi nila iiwan ang ABS-CBN.

Read also

Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"

Pinasalamatan din ni Karla ang mga ABS-CBN bosses.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Karla Estrada ay isang kilalang artista, mang-aawit, at host sa telebisyon sa Pilipinas. Sumikat siya sa kanyang mga papel sa iba't ibang pelikulang Pilipino at mga palabas sa telebisyon. Kilala rin siya sa kanyang mga pagho-host sa mga programa sa telebisyon at sa kanyang karera sa musika. Siya ay kilala rin bilang ina ni Daniel Padilla.

Sa post ni Karla Estrada, nabanggit niya ang mga salitang "Ang Pamamaalam" kalakip ng picture nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Ayon naman sa head writer ng Magandang Buhay na si Darla Sauler, nagkasama-sama silang muli para sa farewell episode ni Momshie Karla. Nabanggit din nito ang kanyang mensahe kay Karla para sa aniya'y new chapter and journey nito. Matatandaang nag-leave si Karla sa naturang talkshow simula nang mag-file siya ng candidacy para maging representative ng Tingog party-list group.

Read also

Christian Vasquez, hindi siniseryoso ang mga komento sa kanyang Tiktok

Samantala, para kay Cristy Fermin, naiintindihan niya ang pagtatanggol na ginagawa ni Karla sa anak niya. Naniniwala daw siya sa sinabi ni Karla na hindi siya nagsabi sa isang quote card na sinasabing pahayag daw niya. Gayunpaman, dapat daw ay hindi na ipagsabi ni Karla ang tungkol sa kanyang pinagtutuonan ng pansin na mga fake news peddler. Naniniwala din daw siya na nakakapagpapalakas ng loob ang mga post nito na Bible verse pero dapat daw ay isabuhay nito ang kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel