Karla Estrada, babalik sa "Magandang Buhay" para sa farewell episode

Karla Estrada, babalik sa "Magandang Buhay" para sa farewell episode

- Sa post ni Karla Estrada, nabanggit niya ang mga salitang "Ang Pamamaalam" kalakip ng picture nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros

- Ayon naman sa head writer ng Magandang Buhay na si Darla Sauler, nagkasama-sama silang muli para sa farewell episode ni Momshie Karla

- Nabanggit din nito ang kanyang mensahe kay Karla para sa aniya'y new chapter and journey nito

- Matatandaang nag-leave si Karla sa naturang talkshow simula nang mag-file siya ng candidacy para maging representative ng Tingog party-list group

Farewell episode umano ni Karla Estrada ang mapapanood sa muling pagbabalik nito sa "Magandang Buhay" ayon sa head writer ng show na si Darla Sauler. Nag-post din ito ng picture nilang magkakasama kasunod ng post ni Karla kasama sina momshie Jolina Magdangal at Momshie Melai Cantiveros.

Karla Estrada, babalik sa "Magandang Buhay" para sa farewell episode
Karla Estrada, babalik sa "Magandang Buhay" para sa farewell episode (@karlaestrada1121)
Source: Instagram
Reunited for the farewell episode of Momshie Karla Estrada on Magandang Buhay! Good luck sa new chapter and journey mo mare! Catch this episode soon.

Read also

Gelli de Belen, nakipagsabayan sa katrabahong mga bagets sa pagti-TikTok

Matatandaang nag-leave si Karla sa naturang talkshow simula nang mag-file siya ng candidacy para maging representative ng Tingog party-list group. Simula nang magpahinga siya sa Magandang buhay, iba-iba ang nakasamang co-host nina Melai at Jolina. Pinakatumagal ay si Regine Velasquez na kinailangan din munang magpahinga dahil sa kanyang ginanap na concert kamakailan.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Sa kanyang naunang post, nabanggit niya ang mga salitang "Ang Pamamaalam" kalakip ng picture nila nina Jolina at Melai.

Elago Ford o mas kilala bilang si Karla Estrada ay isang Pinay actress at singer. Ilan sa mga pelikula at seryeng kanyang kinabilangan ay Ina, Kasusuklaman Ba Kita? at Maricris Sioson: Japayuki. Naging bahagi din siya ng seryeng Kailangan Ko'y Ikaw.

Sa kanyang post, binahagi ni Karla ang picture nilang tatlo nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Sa kanyang caption ay nabanggit nito ang salitang "Ang pamamaalam." Maging sina Jolina at Melai ay nagbahagi ng kanilang mensahe para sa kanilang co-host sa Magandang Buhay.

Sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng picture nilang magkasama si Karla. Nangantiyaw pa ito ng "Kahit pansit lang". Aniya kahit noon pa man ay siya na ang birthday singer ni Ruffa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel