Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"

Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"

- Muling nagpasaring si Papi Galang kaugnay sa umano'y pagtakas sa mga anak niya

- Sa kanyang post sa Facebook sinabi niyang bukod tangi ang taong pinatutungkulan niya

- Aniya, ito lang daw ang bukod tangi dahil kakaiba ang gamot ng taong ito sa dami ng aniya'y mentally unstable na tao sa mundo

- Kasalukuyang nagdadalantao ang social media personality sa pangatlong anak niya

Nagbahagi si Papi Galang ng makahulugang mensahe patungkol sa umano'y pagtakas sa anak niya. Aniya, sa dinami-rami ng taong mentally unstable sa mundo ay bukod tangi ang taong pinatutungkulan niya dahil kakaiba ang gamot nito.

Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"
Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"
Source: Facebook
Delulu nanaman ho ang ferson Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak
Sa dami ng mentally unstable sa mundo ikaw lang bukod tanging kakaiba yung gamot

Walang binanggit na pangalan si Papi ngunit sa huling episode ng ToRo family reality show, muling nagkasagutan sina Mari Fowler at Paye Galang dahil sa pagdala ni Mari sa mga anak ni Papi.

Read also

Papi Galang: "May contract kami dito sa ToRo Family. Makikita't makikita niyo ako dito"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng ToRo family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel