Melanie Marquez, kabado para kay Michelle Dee: "Stage mother ata ako talaga"

Melanie Marquez, kabado para kay Michelle Dee: "Stage mother ata ako talaga"

- Tumulak na pa-El Salvador ang ina ni Michelle Dee na si Melanie Marquez

- Aminadong kinakabahan umano siya para sa laban ng anak

- Hindi niya raw naramdaman noong siya naman ang sumabak sa Miss International 1979 kung saan siya nagwagi

- Ngayon pa lang, sobrang proud na umano siya sa kanyang anak gayung saksi siya sa determinasyon at sakripisyo nito para sa Miss Universe ngayong taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong kabado ang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez para sa anak na si Michelle Dee na siyang pambato ngayong taon ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe.

Melanie Marquez, nasa El Salvador para sa anak na si Michelle Dee: "Stage mother ata ako talaga"
Michelle Dee (@michelledee)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng GMA News bago tumulak sa El Salvador noong Nobyembre 14, naibulalas ni Melanie ang kanyang nararamdaman sa pagsabak ng anak sa prestihiyosong beauty pageant.

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

"Kinakabahan ako sobra. Sabi kong ganyan, nae-excite na hindi ko alam. Parang ako yung sasali. Sabi ko, 'nung ako kandidata, hindi ako kinabahan. Pero ito, this time, stage mother ata ako talaga."
"I'm just so proud of her. She really works so hard. Nakita ko talaga yung ano niya, sipag niya, yung dedication niya, focus."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mensahe niya para kay Michelle: "I know you have your own style. I can't tell you exactly what to do. Sabi ko just be relaxed and meditate through prayers."

Pinaalalahanan din niya ang anak na marami umanong nagmamahal at sumusuporta sa kanya kay sa laban niya sa pagsungkit ng isa pa muling Miss Universe crown.

"I just want her to know that it's not only me who loves her so much or her dad, but a lot of people loves her because we saw her dedication"

Read also

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA Integrated News YouTube:

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica