Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

- Sa isang video ay inihayag ni Pia Wurtzbach ang kanyang saloobin sa naging resulta ng Miss Universe 2023

- Aniya, gusto niya rin ang nanalo na si Miss Nicaragua pero napapaisip daw siya kung paano kung nakapasok sa top 5 si Michelle

- Aniya, naiisip niya kung ano kaya kung nakapasok si Michelle at nabigyan ng pagkakataon na makasagot sa Q&A

- Dagdag pa ni Pia, magaling daw si Michelle pagdating sa question and answer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Pia Wurtzbach ang kanyang saloobin patungkol sa naging resulta ng Miss Universe 2023. Aniya, gusto niya rin ang nanalo na si Miss Nicaragua pero napapaisip daw siya kung paano kaya kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee.

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5
Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5
Source: Instagram

Aniya, magaling si Michelle sa Q&A kaya napapaisip siya na paano kaya kung nabigyan ng pagkakataon si Michelle na makasagot sa mga tanong.

Read also

Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"

I also was rooting for the winner actually and I think that she is very deserving. Although, I'm still wondering of what could have been if Michelle made it into the top 5 and had the chance to answer a few questions coz she's really good at Q&A. You wonder, you think of what could have been but, I don't know. I'm still trying to absorb things. Kayo ba?

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.

Matatandaang bumuhos ang pagbati para kina Pia at Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo. Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate. Matatandaang noong nakaraang buwan pa lumabas ang bali-balitang engaged na ang dalawa.

Ikinasal na sina Pia at Jeremy at binahagi ito ni Pia sa pamamagitan ng isang Instagram post. Base sa kanyang post, March 24, 2023 sila ikinasal sa North Island of Seychelles. Proud na binandera ni Pia na sila ay opisyal nang sina Mr & Mrs Jauncey."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel