Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"

Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"

- Nagkwento si Diego Loyzaga ng kanyang mga karanasan ngayong siya ay isa nang ama

- Isa sa mga bagay na kanyang sisiguraduhin ay ang pagsuporta at paggabay niya sa anak sa anumang naisin nito

- Aniya, 'di niya ipararanas dito ang kanyang naranasan noon sa paglaking hindi madalas makasama ang ama

- Naibahagi rin niya ang tungkol umano sa writer na inunahan siya sa pag-anunsyo sa mundo ng tungkol sa pagkakaroon niya ng baby girl

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkwento ng ilang detalye si Diego Loyzaga patungkol sa kanyang pagiging first-time dad.

Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"
Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, masaya niyang ibinahagi ang mga karanasan kasama ang kanyang limang buwang gulang na baby girl.

Aniya, maraming realizations ang kanyang napagtanto nang dumating ang anak sa kanyang buhay.

Read also

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

Isa na rito ay ang pagsigurong susuportahan niya at gagabayan ang anak sa anumang nanaisin nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko. When I was growing up, I never really thought that I was looking for a father figure. But as I got old, I realized that ah, 'yun pala 'yung kulang. There's sometimes like a question mark how I should do things, my character, what I really want. I guess you picked it up from the dad."
"And I wanna be there for my daughter. I want her to, o eto ang mga hobbies ko. If you like these, try what I do. Whatever you do, you like, I'll support you."

Magakasunod lamang umano ang kaarawan nina Diego at ng kanyang anak. May 21 ang kanyang kaarawan habang ang kanyang baby girl ay isinilang noong Mayo 22 ng kasalukuyang taon.

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Diego: "Inunahan sa pag-a-announce? Ganyan sila"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studios:

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan umano sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Matatandaang naging usap-usappan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

At ngayong taon, gumulantang sa publiko ang post ni Diego hawak ang kanyang anak na ipinakilala niya sa mundo. Bagama't 'di pa nito pinapangalanan ang ina nito, masasabing magkatuwang sila nito sa kanilang anak na limang buwang gulang na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel