Toni Gonzaga, naka-relate kay Diego: "Inunahan sa pag-aannounce? Ganyan sila"

Toni Gonzaga, naka-relate kay Diego: "Inunahan sa pag-aannounce? Ganyan sila"

- Tila naka-relate umano si Toni Gonzaga kay Diego Loyzaga tungkol sa mga taong nauuna pang mag-anunsyo kaysa sa kanila

- Ito umano ay ang mga manunulat na una pang magbalita ng tungkol sa mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay

- Tulad na lamang ng pagsasapubliko ni Diego tungkol sa kanyang anak na nauna pa umano ang isang manunulat

- Aminado si Diego na "annoying" umano ito lalo na at siya mismo dapat ang unang magsapubliko ng mga ganoong bagay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naka-relate umano si Toni Gonzaga sa kanyang panauhin na si Diego Loyzaga tungkol sa mga taong nauuna pa sa kanila sa pag-aanunsyo ng mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

Toni Gonzaga, naka-relate kay Diego: "Inunahan sa pag-a-announce? Ganyan sila"
Toni Gonzaga, naka-relate kay Diego: "Inunahan sa pag-a-announce? Ganyan sila"
Source: Youtube

Sa panayam ni Toni kay Diego sinang-ayunan niya ito nang ikwento na tila isa umanong manunulat ang nauna pang magbalita ng tungkol sa kanyang baby girl.

Read also

Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"

"That was supposed to be my post. I was supposed to post, first father's day or the best birthday gift ever. Kaso nga lang, inunahan ako ng isang I don't know if she's on tabloid [writer] or whatever in the Philippines," kwento ni Diego.

"Inunahan sa pag-a-announce? Ganyan sila. Ako din, when I got pregnant with Seve, inunahan din ako sa pag-a-announce... May mga nangunguna... This is my moment," ang naging reaksyon naman ni Toni sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"It was annoying," dagdag pa ni Diego. Mayo 22 nang isilang ng kanyang partner ang kanilang anak. Ito ay isang araw matapos ang kanyang kaarawan.

Subalit, matatandaang itinaon ni Diego na panahon ng father's day pa niya ito inanunsyo.

Narito ang kabuuan ng interview kay Diego mula sa Toni Gonzaga Studios:

Read also

Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan umano sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Matatandaang naging usap-usappan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

At ngayong taon, gumulantang sa publiko ang post ni Diego hawak ang kanyang anak na ipinakilala niya sa mundo. Bagama't 'di pa nito pinapangalanan ang ina nito, masasabing magkatuwang sila nito sa kanilang anak na limang buwang gulang na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel