Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20

Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20

- Napatayo si Melanie Marquez nang tawagin na ang pangalan ng anak na si Michelle Dee sa Top 20

- Makapigil hininga ito sapagkat sa huling batch ng kandidatang pasok sa top 20 nabanggit ang pangalan ni Michelle

- Marami ang nag-aabang na mapasok si Michelle sa top 20 lalo na sa top 5 na inaasahan ng marami

- Matatandaang sa naunang panayam kay Melanie, nasabi nitong kinakabahan umano siya para sa kanyang anak at very proud siya sa narating nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud mom moment si Miss International 1979 sa anak na si Michelle Dee nang tawagin ito para sa top 20 ng 72nd Miss Universe sa El Salvador.

Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20
Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20
Source: Facebook

Masasabing makapigil hininga ang eksenang ito gayung sa ikatlo at huling batch ng mga kandidatang pasok sa top 20 nabanggit ang pangalan ni Michelle.

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

Ibinahagi ni Anthony Advincula ng Inquirer ang larawan ni Melanie na hawak ang Watawat ng Pilipinas habang nakatayo nang mapasok sa top 20 ang anak.

Matatandaang sa unang interview sa kanya, nabanggit nito ang kanyang kaba para sa anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kinakabahan ako sobra. Sabi kong ganyan, nae-excite na hindi ko alam. Parang ako yung sasali. Sabi ko, 'nung ako kandidata, hindi ako kinabahan. Pero ito, this time, stage mother ata ako talaga," ani Melanie sa panayam sa kanya ng GMA News.

Mensahe niya para kay Michelle: "I know you have your own style. I can't tell you exactly what to do. Sabi ko just be relaxed and meditate through prayers."

Pinaalalahanan din niya ang anak na marami umanong nagmamahal at sumusuporta sa kanya sa laban niya sa pagsungkit ng isa pa muling Miss Universe crown.

Read also

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

"I just want her to know that it's not only me who loves her so much or her dad, but a lot of people love her because we saw her dedication"

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel