Gloria Diaz, naniniwalang pasok sa Top 5 ng Miss Universe si Michelle Dee

Gloria Diaz, naniniwalang pasok sa Top 5 ng Miss Universe si Michelle Dee

- Naniniwala umano si Miss Universe 1969 Gloria Diaz na papasok sa Top 5 si Michelle Dee

- Ibinahagi ni Gloria ang kanyang mga dahilan bakit niya ito nasabi at ang isa sa mga ito ay ang pagiging smart umano ni Michelle

- Kahanga-hanga rin daw ang pagdadala nito sa kanyang sarili na makikita sa mga kaganapan sa pre-pageant

- Kokoronahan ang ika-72 na Miss Universe sa El Salvador sa Nobyembre 19

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiningan ng kanyang fearless forecast ang veteran actress na si Gloria Diaz para sa laban ni Michelle Dee sa Miss Universe ngayong taon.

Gloria Diaz, naniniwalang pasok sa Top 5 ng Miss Universe si Michelle Dee
Michelle Dee ( Miss Universe Facebook)
Source: Facebook

Kumpiyansa umano ang pinakaunang Pilipinang tinanghal na Miss Universe na maaring masungkit ni Michelle ang korona dahil naniniwala siya umanong papasok ito sa Top 5.

"Top 5. Because another thing, I told you. Miss Universe now is very commercial. Wherever the pageant sells the most, people go the craziest. Somehow, for some very interesting reasons, come up among the top 5, top 7, top 10."

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

Nabanggit din niya ang pagiging popular umano nito bilang anak ng isa sa mga naging beauty queen sa kasaysayan. Matatandaang ang ina ni Michelle na si Melanie Marquez ay tinanghal bilang Miss International 1979.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Because she's making waves. She's the daughter of a past beauty queen. I suppose if my daughter Isabel came in as a Miss something, the first thing they will talk about is she was the daughter of former Miss Universe. But that's a negative and a positive. Some people would say, ah just because ganyan dapat manalo?"

Gayunpaman, kinakitaan din umano si Michelle ng magagandang katangian na maari niya umanong ikapanalo bilang susunod na Miss Universe.

"That is an advantage for Michelle. Of course she had carried herself very well. She's very smart. I hear answers and I told you, maybe she's lucky right?"

Read also

Pia Wurtzbach, napapaisip kung paano kung nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Gloria Diaz mula sa News 5 Everywhere YouTube:

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel