Pia Wurtzbach, engaged na sa boyfriend na si Jeremy Jauncey

Pia Wurtzbach, engaged na sa boyfriend na si Jeremy Jauncey

- Bumuhos ang pagbati para kina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at boyfriend nitong si Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement

- Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo

- Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate

- Matatandaang noong nakaraang buwan pa lumabas ang bali-balitang engaged na ang dalawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang pagkakataon ay isinapubliko ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey ang tungkol sa kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo.

Pia Wurtzbach, engaged na sa boyfriend na si Jeremy Jauncey
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach attends a red carpet event in Pasay City, south of Manila, Philippines on Sunday, January 9, 2017 (Photo by Richard James Mendoza/NurPhoto)
Source: Getty Images

Makikita sa ilang pictures ang suot na engagement ring ni Pia. Maging si Jeremey ay may post din tungkol sa umano'y celebration nila.

Read also

Comelec, dumulog sa NBI ukol sa viral video ng umano'y pagpupunit ng mga balota

"Sunsets in the Philippines are better than anywhere else in the world. Especially At Amanpulo when you have something to celebrate,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagbati para sa kanila na dalawang taon nang magkarelasyon. Sa reel na ibinahagi nila sa Instagram sinabi ni Pia na nakahanap sila ng 'perfect place' para ipagdiwang at para isapubliko ang tungkol sa kanilang engagement.

We found the perfect place to celebrate and tell you guys…

Matatandaang sa isang panayam ng ABS-CBN news naitanong kay Jeremey ang tungkol sa engagement rumor. Minabuti ni Jeremy na huwag nang magkomento tungkol dito.

“I cannot comment on that, I’m afraid . She is an amazing woman. She really is very, very special person, the pride of the Philippines, an amazing partner, and I’ve been very, very lucky to spend all the time I have being with her,

Read also

Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015.

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng saloobin ng kanyang kapatid na si Sarah. Tinawag pa nitong Hudas ang ina sa isa sa mga social media posts niya.

Maging ang kasalukuyang boyfriend umano ni Pia na si Jeremy Jauncey ay lumapit sa kanya upang humingi ng tulong matapos magkaroon ng problema sa isa sa kanilang kliyente dahil umano sa ina nilang si Cheryl Tyndall.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel