Amy Perez sa level up hosting nila: "Bakit niyo ko ginaganito?"

Amy Perez sa level up hosting nila: "Bakit niyo ko ginaganito?"

- Kinaaliwan sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu at Amy Perez sa kanilang level up hosting

- Sa kanilang pag-anunsiyo ng winner sa Tawag ng Tanghalan, nagpalit-palit sila ng pwesto sa tuwing hindi sa kanila naka pokus ang camera

- Dumating pa sa puntong tumakbo sila sa backstage at nahiga habang nag-ho-host

- Nang makatayo na sila ay nawala sa isip nilang tulungan si Amy Perez na tumayo kaya agad din nila itong nilapitan at tinulungan nila itong tumayo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu at Amy Perez sa kanilang level up hosting. Ito ay ang kanilang pagpapalit-palit ng pwesto na tila nate-teleport tuwing mawawala sa kanila ang pokus ng camera.

Amy Perez sa level up hosting nila: "Bakit niyo ko ginaganito?"
Amy Perez sa level up hosting nila: "Bakit niyo ko ginaganito?"
Source: Youtube

Gayunpaman, nang mahiga sila sa sahig habang nag-ho host ay natawa sila nang mapagtantong naiwan si Tyang Amy na nakahiga.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang masayang bonding ng Showtime family sa Hong Kong

Kaya naman, dali-dali nilang tinulungan ito habang humihirit si Tyang Amy na sa loob ng maraming taon niyang nag-hohost ay ngayon lang daw nangyari sa kanya ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate