Vice Ganda, pinasilip ang masayang bonding ng Showtime family sa Hong Kong

Vice Ganda, pinasilip ang masayang bonding ng Showtime family sa Hong Kong

- Pinasilip ni Vice Ganda ang masayang bonding nila ng kanyang "Its Showtime" Family sa Hong Kong

- Ito ay nangyari noong nasa 12 day suspension sila dahil sa pinataw na MTRCB sa kanilang show

- Sa kanilang unang pagkain na magkakasama, pinabunot nila ang mga credit card ng bawat isa para ito ang magbayad

- Nabunot ng server ang card ni Ion Perez kaya si Ion ang nagbayad ng kanilang pagkain na umabot sa 3,441 dollars

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang vlog ni Vice Ganda kung saan pinasilip niya ang masayang bonding moment nila ng It's Showtime family sa Hong Kong. Punong-puno ng biruan at tawanan ang kanilang naging bakasyon.

Vice Ganda, pinasilip ang masayang bonding ng Showtime family sa Hong Kong
Vice Ganda, pinasilip ang masayang bonding ng Showtime family sa Hong Kong
Source: Youtube

Nakapagbakasyon sila matapos patawan ng 12 day suspension ng MTRCB ang It's Showtime. Kaya naman, para sa ibang fans, kahit nasuspende ay may magandang naidulot ang suspension dahil nakapag bonding sila nang magkakasama.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Sa kanilang unang pagkain na magkakasama, pinabunot nila ang mga credit card ng bawat isa para ito ang magbayad. Nabunot ng server ang card ni Ion Perez kaya si Ion ang nagbayad ng kanilang pagkain na umabot sa 3,441 dollars.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel