Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila

Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila

- Ayon kay Nikko Natividad, napagtanto niyang malamok pala sa kanilang garahe at mahirap matulog

- Kasunod ito ng post niya kung saan pinagmalaki niya ang video greeting ni Enrique Gil para sa kanyang asawang si Cielo Eusebio

- Gayunpaman, hindi nito nakuhanan ng video ang pagbati ni Enrique dahil nalipat sa front cam ang camera kaya imbes na makita sa video si Enrique ay mukha ni Nikko ang nakikita

- Dahil dito ay sunod-sunod ang komento ni Cielo na napikon siya sa ginawa ng kanyang asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Nikko Natividad, malamok pala sa kanilang garahe at mahirap matulog. Ito ay matapos ang kanyang post kung saan pinagmalaki niya ang video greeting ni Enrique Gil para sa kanyang asawang si Cielo Eusebio.

Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila
Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila (@hashtag_nikko)
Source: Instagram

Hindi natuwa si Cielo sa naturang video na imbes na makita ang mukha ni Enrique habang nagbibigay ng mensahe ay sa mukha ni Nikko nakafocus ang camera. Ani Cielo, ito ang unang pagkakataon na napikon siya nang sobra kay Nikko.

Read also

Nikko Natividad, ibinida ang hininging video greeting mula kay Enrique Gil

Sa kanyang post ay nag-time check pa si Nikko.

Ang lamok pala sa garahe namen. Hirap matulog.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na nacurious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko .

Kamakailan ay ibinahagi ni Nikko ang kanyang pictures na kuha sa ospital. Hindi nito nabanggit kung ano ang dahilan kung bakit siya naroroon pero makikita ang Hashtag member na nakahiga sa hospital bed. Pabiro pa nitong binanggit na kaya daw siya na-ospital ay dahil nag-crop top siya kahit maulan. Bago siya magpost nito ay may post siya kung saan kita ang kanyang tiyan dahil sa suot niyang crop top.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel