Nikko Natividad, ibinida ang hininging video greeting mula kay Enrique Gil

Nikko Natividad, ibinida ang hininging video greeting mula kay Enrique Gil

- Ibinida ni Nikko Natividad ang hiniling niyang video greeting sa aktor na si Enrique Gil para sa kanyang asawa

- Sa kanyang Instagram post, makikita ang paglapit niya kay Enrique at pagtanong kung pwede daw ba nitong batiin ang kanyang asawang si Cielo Eusebio

- Hindi naman tumanggi si Enrique ngunit nang magsalita na ito para sa kanyang pagbati ay nalipat ang focus ng camera kay Nikko

- Ani Cielo, ngayon lang siya napikon nang sobra sa kanyang asawa dahil sa ginawa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiniling ni Nikko Natividad kay Enrique Gil kung pwede daw ba niyang batiin ang asawa ni Nikko na si Cielo Eusebio. Agad namang umu-o si Enrique ngunit nang magsalita na ito para batiin si Cielo ay nabaliktad ang focus ng camera at nakatutok kay Nikko.

Read also

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

Nikko Natividad, ibinida ang hininging video greeting mula kay Enrique Gil
Nikko Natividad, ibinida ang hininging video greeting mula kay Enrique Gil (@hashtag_nikko)
Source: Instagram

Sa comment section ay makailang beses na nagkomento si Cielo at aniya ay ngayon lang daw siya napikon nang sobra.

Ngayon lang ako napikon ng ganito sa buong buhay ko. Kakapikon!

Dagdag pa ni Cielo, gsuto daw niya ilabas ang gamit ng asawa kung pupwede.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napakawalangya!!!!!!! Gusto ko ilabas yung gamit mo sa labas pwede kaya?

Depensa naman ni Nikko, napindot lang niya nang di sinasadya ang front cam.

@_cielovesyou sorry mahal napindot front cam.

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na nacurious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko .

Read also

Rendon Labador, burado na sa TikTok: "Bakit ang daming masaya na binura ako sa TikTok?"

Kamakailan ay ibinahagi ni Nikko ang kanyang pictures na kuha sa ospital. Hindi nito nabanggit kung ano ang dahilan kung bakit siya naroroon pero makikita ang Hashtag member na nakahiga sa hospital bed. Pabiro pa nitong binanggit na kaya daw siya na-ospital ay dahil nag-crop top siya kahit maulan. Bago siya magpost nito ay may post siya kung saan kita ang kanyang tiyan dahil sa suot niyang crop top.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel