Carmina Villaroel, nagbahagi ng nakakaintrigang quote: "Don't trust everything you see"

Carmina Villaroel, nagbahagi ng nakakaintrigang quote: "Don't trust everything you see"

- Nagbahaging muli si Carmina Villaroel ng makahulugang quote sa kanyang Instagram story

- Tungkol ito sa aniya'y hindi dapat paniwalaan ang lahat ng bagay na nakikita dahil maging ang asin ay mukhang asukal

- Bago ito ay mayroon na din siyang naibahaging nakakaintrigang quote tungkol pagkukunwaring biktima ng "villain"

- Naging palaisipan sa mga netizens kung may pinatutungkulan si Carmina o sadyang naibahagi niya lang ang magkasunod na mensahe

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng nakakaintrigang quote si Carmina Villaroel tungkol sa paalalang hindi dapat pinapaniwalaan ang lahat ng nakikita. ANiya, maging ang asin ay mukha ding asukal.

Carmina Villaroel, nagbahagi ng nakakaintrigang quote: "Don't trust everything you see"
Carmina Villaroel, nagbahagi ng nakakaintrigang quote: "Don't trust everything you see" (@mina_villarroel)
Source: Instagram
Don't trust everything you see. Even salt looks like sugar.
Carmina Villaroel, nagbahagi ng nakakaintrigang quote: "Don't trust everything you see"
Carmina Villaroel, nagbahagi ng nakakaintrigang quote: "Don't trust everything you see" (@mina_villaroel)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Nadine Lustre at Maricel Soriano, nagpalakasan ng tili sa kanilang horror house experience

Bago ito ay mayroon na din siyang naibahaging nakakaintrigang quote tungkol pagkukunwaring biktima ng "villain." Dahil sa magkasunod na cryptic post ni Carmina, hindi maiwasang mapaisip ang mga netizens kung may pinatutungkulan si Carmina o sadyang naibahagi niya lang ang magkasunod na mensahe.

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon - Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

Dagul, hanga sa pagiging matulungin ng kaibigang si Benjie Paras

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate