Nadine Lustre at Maricel Soriano, nagpalakasan ng tili sa kanilang horror house experience

Nadine Lustre at Maricel Soriano, nagpalakasan ng tili sa kanilang horror house experience

- Nagkasama sina Nadine Lustre at Maricel Soriano sa pagpunta sa isang hooror house attraction

- Hindi mapigilang mapatili at mapamura ng dalawa sa mga nagpapakita sa kanila sa loob ng horror house

- Napagapang pa si Nadine sa isang bahagi ng video dahil sa kanyang sobrang pagkagulat

- Matapos ang kanilang horror house experience ay pawis na pawis si Nadine ngunit aniya ay nag-enjoy naman siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napatili sina Nadine Lustre at Maricel Soriano nang pasukin nila ang isang horror house attraction. Ilang beses pang napagapang si Nadine sa sobrang gulat nito tuwing may mananakot sa kanila.

Nadine Lustre at Maricel Soriano, nagpalakasan ng tili sa kanilang horror house experience
Nadine Lustre at Maricel Soriano, nagpalakasan ng tili sa kanilang horror house experience (Maricel Soriano/YouTube)
Source: Youtube

Habang naglalakad ay magkahawak kamay sila ni Maricel na kanyang tinatawag na inay. Hindi din mapigilang magmura ng dalawa na kanilang itinago sa pamamagitan ng pag-bleep. Matapos ang kanilang horror house experience ay pawis na pawis si Nadine ngunit aniya ay nag-enjoy naman siya.

Read also

Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18

Narito naman ang komento ng netizens sa video na ito ng dalawang award-winning actress.

Hahaha! Ang genuine ng reaction ni Nadine. At ang over protective Inay shielded her from the ghosts. Sakit tyan ko kakatawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tawang tawa ako sa tili nyong mag-ina! Ang gandang matakot ni Nadine. Ms. Maricel is very caring to kahit takot din. Love you both
Yung mahilig ka sa horror movie, pero matatakutin ka pala sa personal

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James.

Read also

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

Para kay Nadine, nakakalokang tsismis daw tungkol sa kanya ay palagi na lang siyang buntis. Aniya, nagtataka siya na taon-taon na lang siyang nababalitang buntis gayong hindi naman daw iyon totoo. Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya. Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel