Nadine Lustre, nagtataka kung bakit iniintriga siyang buntis palagi

Nadine Lustre, nagtataka kung bakit iniintriga siyang buntis palagi

- Para kay Nadine Lustre, nakakalokang tsismis daw tungkol sa kanya ay palagi na lang siyang buntis

- Aniya, nagtataka siya na taon-taon na lang siyang nababalitang buntis gayong hindi naman daw iyon totoo

- Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya

- Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Nadine Lustre, ang pinaka-nakakalokang tsismis sa kanya ay buntis umano siya. Sa video ng Cosmopolitan Philippines ay sinabi niyang nagtataka siya bakit taon-taon na lamang siyang napapabalitang buntis.

Nadine Lustre, nagtataka kung bakit iniintriga siyang buntis palagi
Nadine Lustre, nagtataka kung bakit iniintriga siyang buntis palagi (@nadine)
Source: Instagram
“That I’m pregnant—and [it] happens every year! I don’t know why, I don’t know how. Like people just decide that I’m pregnant every year, I don’t even look like it,”

Read also

Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista

Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya. Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka.

“I mean, if I’m pregnant, I would happily announce it to the world but sadly guys, I’m not pregnant. And I’m not pregnant every year,

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Ayon kay Nadine, bukas naman siya na makatrabahong muli ang ex-boyfriend niyang si James Reid. Ito ay kung maganda naman umano ang project lalo at hindi naman sila magkaaway ni James. Gayunpaman, aniya ay wala nang posibilidad na magkakabalikan sila ni James kaya dapat umano ang mga fans nila ay mag-move on na rin. Dagdag pa niya, panahon na para makapagsimula sila ng bagong chapter sa buhay nila.

Si Nadine ang hinirang na Best Actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa horror film niyang Deleter. Wagi din ang direktor na si Mikhail Red na siyang direktor ng pelikula ni Nadine na aniya ay kanyang unang horror film. Nakuha din ng pelikula nila ang Best Picture award at maging ang Best Sound at Best Visual Effects. Kabilang ang pelikula ni Nadine sa mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel