Nadine Lustre, waging best actress sa Metro Manila Film Festival 2022

Nadine Lustre, waging best actress sa Metro Manila Film Festival 2022

- Si Nadine Lustre ang hinirang na Best Actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa horror film niyang Deleter

- Wagi din ang direktor na si Mikhail Red na siyang direktor ng pelikula ni Nadine na aniya ay kanyang unang horror film

- Nakuha din ng pelikula nila ang Best Picture award at maging ang Best Sound at Best Visual Effects

- Kabilang ang pelikula ni Nadine sa mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinirang si Nadine Lustre na Best Actress sa ginanap na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022. Humakot ang pelikula niyang Deleter ng mga parangal.

Nadine Lustre, waging best actress sa Metro Manila Film Festival 2022
Nadine Lustre, waging best actress sa Metro Manila Film Festival 2022 (@nadine)
Source: Instagram

Sa ulat ni MJ Felipe, kabilang sa mga nasungkit na parangal ng pelikula niya ay Best Picture award at Best Sound, Best Cinematography, Best Editing at Best Visual Effects. Wagi din ang kanilang direkto na si Mikhail Red bilang Best Director

Read also

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

Best Supporting Actress naman si Dimples Romana para sa pelikulang 'My Father, Myself.' at Best Supporting Actor si Mon Confiado para sa pagganap niya sa pelikulang 'Nanahimik ang Gabi.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ian Veneracion naman ang tinanghal na Best Actor para sa pelikulang 'Nanahimik ang Gabi.'

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Ayon kay Nadine, bukas naman siya na makatrabahong muli ang ex-boyfriend niyang si James Reid. Ito ay kung maganda naman umano ang project lalo at hindi naman sila magkaaway ni James. Gayunpaman, aniya ay wala nang posibilidad na magkakabalikan sila ni James kaya dapat umano ang mga fans nila ay mag-move on na rin. Dagdag pa niya, panahon na para makapagsimula sila ng bagong chapter sa buhay nila.

Read also

Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez

Kamakailan ay inalmahan din ni Nadine ang pang-uungkat ng ilang netizens sa lumang interview sa kanya ni Edward Barber kung saan sinabi niya ang saloobin tungkol sa kung paano siya makitungo sa publiko. Sa tweet niya kamakailan ay nilinaw niyang walang kinalaman ang video niya sa isyung kinakasangkutan ng mga volleyball players kamakailan na diumano'y hindi namansin ng fan. Ani Nadine, dapat ay panoorin muna ang kabuuan ng video bago pa magbigay ng opinyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel