Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista

Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista

- Para kay Camille Prats, wala siyang naramdaman na pagsisisi na maaga siyang pumasok sa mundo ng showbiz

- Kahit pa malimit niya daw marinig na kawawa siya dahil hindi niya naranasan ang normal na childhood, naniniwala siyang iyon ang buhay na ginusto para sa kanya ng Panginoon

- Sa kabila ng hindi na normal na childhood ay marami naman daw magagandang nangyari sa kanya at masaya naman siya

- Naniniwala siyang kaya nag-aaral ay para maging handa sa pagtatrabaho at nabigyan siya ng pagkakataon na mamulat sa reyalidad ng buhay sa murang edad niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Camille Prats, wala siyang maramdamang pagsisisi na bata pa lang ay nag-artista na siya. Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang hindi siya nakaramdam na parang ninakaw ang childhood niya nang magtrabaho siya nang maaga.

Read also

Maegan, hinangaan sa pagkanta ng 'Anak' na awitin ng amang si Freddie Aguilar

Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista
Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista (@camilleprats)
Source: Instagram

Para sa kanya, kung anuman ang naging childhood niya ay iyon ang binigay sa kanya ng Diyos.

"But to be honest, Tito Boy, I had a very unique childhood. And totoo 'yon, na hindi ko man naranasan kung ano ba 'yong 'normal' na childhood para sa karamihan, but I would like to think na ‘yong buhay na ibinigay sa akin ng Diyos, is the life that He really wanted for me,"

Blessing daw para sa kanya ang naranasan niya lalo at naging masaya siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I really think it's a blessing. And 'yong buhay ko na 'yon nu'ng kabataan ko, remembering all the projects that I did, those were happy memories for me,"

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats–Yambao o mas kilala sa kanyang screen name na Camille Prats ay isang Filipina actress, host, at businesswoman. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor at direktor na si John Prats. Isa sa pinaka sumikat niyang pelikula na pinagbidahan niya ay ang Sarah Ang Munting Prinsesa.

Read also

Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"

Matatandaang naibahagi ni Camille ang isang house tour sa bahay na pinapatayo nilang mag-asawa. Ayon sa kanya ay nakatakda na silang lumipat sa bagong bahay nila. Aniya, hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo ng bahay dahil sa mga pinatupad na restrictions dahil sa pandemya.

Sa kanyang kaarawan ay naibahagi ni Camille ang kwento tungkol sa kanila ng kanyang mister na si VJ Yambao. Walong taon umano sila nang unang magkakilala sa kanilang paaralan. Binahagi niya rin ang kanilang class picture noon. Pinasalamatan ni Camille ang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel