Maegan, hinangaan sa pagkanta ng 'Anak' na awitin ng amang si Freddie Aguilar

Maegan, hinangaan sa pagkanta ng 'Anak' na awitin ng amang si Freddie Aguilar

- Hinangaan ng marami ang bersyon ni Maegan Aguilar ng awiting 'Anak'

- Ang kanyang amang si Freddie Aguilar ang orihinal na umawit nito

- Umantig din sa puso ng marami ang pag-awit niyang ito at hiling nilang makabalik na muli si Maegan sa pagkanta

- May ilan pang nagsasasabing sana'y maisipan nalang nitong magkaroon ng sarili niyang channel sa Youtube kung saan maibabahagi nito ang mga awitin niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena online ang pagkanta ni Maegan Aguilar ng awiting 'Anak' na orihinal na kinanta ng kanyang ama na si Freddie Aguilar.

Maegan and Freddie Aguilar
Maegan and Freddie Aguilar
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na umabot sa halos dalawang milyon ang views ng naturang video kung saan makikitang nagbi-videoke lang si Maegan sa isang tahanan.

At nang simulan na nga nitong awitin ang kanta ng kanyang ama, halo-halong emosyon ang dulot nito sa netizens.

Read also

Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay"

Bukod sa paghanga, naantig umano ang kanilang puso at nanghihinayang umano sa sinapit ng music career nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang ilan naman ay nagsasabing sana'y makabalik pa rin ito sa pag-awit lalo na at kitang-kita pa rin sa video ang husay nito sa musika.

May mga nagbibigay suhestyon din na sana'y magkaroon ito ng YouTube channel kung saan nito maibabahagi ang kanyang talento at maari pa siyang kumita rito.

Narito ang kabuuan ng kanyang video na naibahagi ni Mariz Mattila:

Isang buwan na umano ang nakararaan nang dumulog si Maegan Aguilar sa programa ni Raffy Tulfo.

Sinubukan din ng programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Read also

Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda nang kuda, walang resibo!"

Gayunpaman sa panayam ni Aster Amoyo kay Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel