Madam Inutz, ibinida ang picture nila ni Idol Raffy kalakip ng paniningil: "Till tomorrow lang po"
- Binahagi ni Madam Inutz ang picture niya kasama si Senator Raffy Tulfo sa kanyang Facebook post
- Kalakip ng kanyang binahaging picture ay ang mensahe niya sa hindi pinapangalanang tao
- Sinisingil niya ito at nagbigay ng palugit kung hanggang kailan lang nito pwede bayaran ang pagkakautang
- Matatandaang naging guest sa Idol Shopping Network si Madam Inutz kung saan nakilala niya nang personal si Sen. Tulfo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi si Madam Inutz ang picture niya kasama si Senator Raffy Tulfo. Kalakip ng kanyang picture ay ang kanyang mensahe ng paniningil at pagbibigay ng palugit sa taong nagkakautang sa kanya na hindi na niya pinangalanan.
Sa kanyang Facebook post ay binigyan niya ng oras hanggang kinabukasan ang taong ito para magbayad ng kanyang utang.
Hindi ka pa nag kakape pero dapat kanang kabahan ‼️ Nakalimutan mo ata tropa ko si Sir Raffy Tulfo in action. Bayaran mo ko till tomorrow lang po.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa isang vlog niya ay naibahagi ni Madam Inutz ang kanyang karanasan na makaharap nang personal si Sir Raffy nang maging bahagi siya ng online shopping sa Idol Shopping Network. Sa naturang vlog ay nasabi ni Madam Inutz na hindi siya makapaniwalang makakaharap niya si Sen. Raffy.
Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.
Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.
Sa isang video niya ay pinakita ni madam Inutz ang pagsama niya ng kanyang boyfriend na si Tantan sa kanilang pagpunta sa mall kasama ang manager na si Wilbert Tolentino at si Herlyn Budol. Ito umano ang unang pagkakataon na nagkita sa personal ang boyfriend at ang manager nila ni Herlene kaya naisipan nilang lumabas at mag-group date. Marami naman sa mga viewers ni madam Inutz ang masaya para sa kanyang mga tinatamasa.
Source: KAMI.com.gh