Karen Davila, bumilib sa pagiging hands-on ni Coco Martin sa shooting ng serye

Karen Davila, bumilib sa pagiging hands-on ni Coco Martin sa shooting ng serye

- Bumilib si Karen Davila nang makausap niya si Coco Martin sa set ng FPJ's Batang Quiapo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa binahaging video ni Karen sa kanyang YouTube channel, natanong niya kay Coco ang tungkol sa teknikal na aspeto ng paggawa ng serye

- Ito ay tungkol sa ginagamit nilang kamera at napansin umano niyang wala na silang mga ilaw na ginamit

- Ani Karen ang galing ni Coco na alam pa nito maging kung paano ginagawa sa editing ng mga video na ginagamit sa serye

Bumilib si Karen Davila kay Coco Martin nang makapanayam niya ito habang nasa shooting ng bago nitong serye na FPJ's Batang Quiapo. Maging ang teknikal na aspeto kasi ay alam nito kagaya ng pag-edit ng video na ginagamit nila.

Read also

Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012

Karen Davila, bumilib sa pagiging hands-on ni Coco Martin sa shooting ng serye
Karen Davila, bumilib sa pagiging hands-on ni Coco Martin sa shooting ng serye (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naibahagi ni Coco na dati ay pangarap lamang niyang makapag-direk kaya masayang-masaya daw siya sa kanyang ginagawa. ukod sa pagiging bida ng naturang serye, direktor din si Coco.

Aniya, pagdating sa mga eksena sa kalye ay gamay niya iyon kaya wala silang script na ginagawa kundi binabase lamang niya iyon sa mga nakita niya.

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel