Vice Ganda, nagbigay ng tulong na P50,000 sa Sagada Pottery

Vice Ganda, nagbigay ng tulong na P50,000 sa Sagada Pottery

- Nagpunta sina Vice Ganda at tatlo niyang kaibigang sina Negi, Petite at Donna sa Sagada

- Isa sa mga napuntahan nila ay ang Sagada Pottery kung saan namangha sila sa husay ng mga artist na gumagawa ng mga obrang gawa sa clay

- Bumili sila ng mga produkto mula sa naturang pottery na ayon sa mga nagtatrabaho doon ay dumaan din sa matinding hamon dahil sa pandemya

- Ikinatuwa nila na nagpadala ng tulong si Vice Ganda para sa sisisimulan nilang project para mas mapalago ang kanilang pottery

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay si Vice Ganda ng P50,000 sa Sagada Pottery na kanilang napuntahan nang magpunta sila sa Sagada. Aminado ang mga nagtatrabaho doon na nahirapan sila lalo nang magkaroon ng pandemya.

Vice Ganda, nagbigay ng tulong na P50,000 sa Sagada Pottery
Vice Ganda, nagbigay ng tulong na P50,000 sa Sagada Pottery (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kaya naman, abot-abot ang kanilang pasasalamat sa tulong ni Vice Ganda para masimulan nila ang kanilang project upang lalong mas mapalago ang kanilang pottery.

Read also

Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath"

Sinubukan ding gumawa ng clay pot nina Vice Ganda at mga kaibigang sina Negi, Petite at Donna. Matapos ang kanilang karanasan, mas naapreciate daw nila ang mga bagay clay pots lalo at dumadaan ito sa mabusising proseso bago matapos.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilalla siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel