Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath"

Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath"

- Nagkomento si Sunshine Cruz sa post ng partner ni Cesar Montano na si Kath Angeles

- Makikita sa kanyang post ang video nila ni Cesar na kuha sa New York

- Ani Sunshine, ang cute umano nina Cesar at Kath sa naturang video

- Matatandaang nauna na ring naibahagi ni Sunshine na naging malapit sila ng partner ni Cesar sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkomento si Sunshine Cruz sa Instagram post ng kasalukuyang partner ni Cesar Montano na si Kath Angeles. Makikita sa kanyang post ang video nila ni Cesar na kuha sa New York .

Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath"
Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath" (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Hindi naman na ito bago dahil ilang beses nang nagkasama sina Sunshine at kanilang mga anak kasama si Cesar. Ilang mahalagang okasyon sa kanilang pamilya ang kanilang pinagdiwang nang magkakasama.

Read also

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

Matatandaang nauna na ring naibahagi ni Sunshine na naging malapit sila ng partner ni Cesar sa kasalukuyan.

Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath"
Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath" (@maarriiaaa05)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Read also

Asian Best Actress Jodi Sta. Maria, naging litratista sa Taiwan ng mga kapwa turista

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel