Luis Manzano sa kumukwestiyon sa hindi pagpapakita sa mukha ng anak: "Akala mo ikaw magpapadede sa bata"

Luis Manzano sa kumukwestiyon sa hindi pagpapakita sa mukha ng anak: "Akala mo ikaw magpapadede sa bata"

- Hindi pinalampas ni Luis Manzano ang mga netizens na kumukuwestiyon sa desisyon nila ni Jessy Mendiola na huwag munang ipakita ang mukha ng kanilang anak

- Sa kanyang Instagram posts, ilang netizen ang sinagot ni Luis kaugnay sa mga komento nila kaugnay dito

- Mayroon pang isa na nagtanong kung bakit daw nila hindi pinapakita at nagtanong kung nanakawin daw ba ang anak nila

- Sagot naman ni Luis sa naturang netizen, kung makapagkomento umano ito ay parang siya ang nagpapadede sa bata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Palaban si Luis Manzano sa mga netizen na kumukwestiyon sa desisyon nilang mag-asawa na huwag na munang ipakita sa publiko ang mukha ng kanilang anak. Sa mga posts ng mag-asawa ay tinatakpan nila ang mukha ng anak nilang si Isabella Rose.

Luis Manzano sa kumukwestiyon sa hindi pagpapakita sa mukha ng anak: "Akala mo ikaw magpapadede sa bata"
Luis Manzano sa kumukwestiyon sa hindi pagpapakita sa mukha ng anak: "Akala mo ikaw magpapadede sa bata" (@senorita_jessy
Source: Instagram

Matatandaang nauna nang sinabi ni Vilma Santos na sa tamang panahon ay ibabahagi din ng mag-asawa ang mukha ng kanyang pinakmamahal na apo.

Read also

Pambansang Kolokoy, usap-usapan dahil sa "girl friend" vlog niya

Sa kanyang Instagram posts, ilang netizen ang sinagot ni Luis kaugnay sa mga komento nila kaugnay dito. Isa sa mga ito ay nagtanong kung bakit daw nila hindi pinapakita at nagtanong kung nanakawin daw ba ang anak nila. Kinumpara pa sila sa mag-asawang Iya at Drew na aniya ay walang arte.

Bakit ganon..ayaw nila reveal agad anak nila..nanakawin ba?di katulad ng mag asawang drew at iya.reveal agad walang arte...

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sagot namn ni Luis sa naturang netizen, kung makapagkomento umano ito ay parang siya ang nagpapadede sa bata.

Ito naman kung maka comment ka akala mo ikaw magpapadede sa bata. Ikaw nga post ng post ng pic mo e di naman namin hinihingi.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel