Pambansang Kolokoy, usap-usapan dahil sa "girl friend" vlog niya

Pambansang Kolokoy, usap-usapan dahil sa "girl friend" vlog niya

- Nagbahagi si Pambansang Kolokoy ng panibagong content na talaga namang muling pinag-usapan

- Isang babae ang kasama niya sa kanyang vlog na kanyang pinamagatang "Girl friend"

- Kasama din nila sa naturang video ang baby na palaging sinasama ni PK sa kanyang mga vlog

- Gayunpaman, hindi nito pinakita ang mukha niya at tumangging tanggalin ang kanyang face mask at shades

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong vlog ni Pambansang Kolokoy o Joel Mondina, may nakasama siyang babae na aniya ay gusto niyang ipakilala sa kanyang mga viewers. Gayunpaman, hindi nito pinakita ang mukha niya at tumangging tanggalin ang kanyang face mask at shades.

Pambansang Kolokoy, usap-usapan dahil sa "girl friend" vlog niya
Pambansang Kolokoy, usap-usapan dahil sa "girl friend" vlog niya (screenshot from Pambansang Kolokoy/YouTube channel)
Source: Instagram

Ang vlog ni PK na pinamagatang Girl Friend ay umani ng mga reaksiyon. Maging sa TikTok ay marami ang nag-post ng kanyang video lalo at naging usap-usapan ang paghihiwalay nila ng dating asawang si Grace Mondina o mas kilala bilang si Marites.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Sa naturang video ay sinubukan ni PK na ipatanggal sa kasamang babae ang mask para maipakita nito ang mukha niya. Gayunpaman, hindi ito pumayag matapos siyang sabihan ng ilang beses ni PK.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel