Zeinab, hiling na magkapatawaran sila ni Wilbert; "Kahit sa puso't isip na lang natin"

Zeinab, hiling na magkapatawaran sila ni Wilbert; "Kahit sa puso't isip na lang natin"

- Muling naglabas ng kanyang saloobin si Zeinab Harake patungkol sa isyu umano nila ni Wilbert Tolentino

- Hiling ni Zeinab na magkapatawaran na lamang umano sila ni WIlbert sa kahit sa 'puso't isip lamang'

- Binigyang diin pa rin niyang hindi si Wilbert ang kanyang tinutukoy sa nag-viral na post niya kamakailan

- Muli siyang nag-sorry at nakiusap na huwag nang iugnay pa ang kanyang pangalan sa mga taong nasangkot sa isyu sa kanya gayung may sarili na umano siyang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling naglabas ng saloobin si Zeinab Harake kaugnay sa umano'y isyu nila ni Wilbert Tolentino.

Zeinab, hiling na magkapatawaran sila ni Wilbert; "Kahit sa puso't isip na lang natin"
Wilbert Tolentino at Zeinab Harake (Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng social media, naibulalas ni Zeinab ang pagnanais niyang magkapatawaran na lamang sila ni Wilbert.

"Gusto ko na lang din mag kapatawaran tayo kahit sa puso't isip na lang natin," ani Zeinab. Nilinaw din niyang hindi umano sila nagkagamitan ni Wilbert gayung may naitulong naman sila umano sa isa't isa.

Read also

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

"Hindi ka naging user dahil naging beneficial naman tayo sa isa't isa hindi ko intensyon sirain ang pangalan mo walang ganun at never kitang ipapahiya at paparinggan dahil minahal naman talaga kita as kaibigan/mamshie ko," ani Zienab sa post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakiusap din siyang huwag nang i-ugnay pa ang pangalan niya kanino man at hindi lahat ng kanyang post ay tungkol sa mga ito. Muli rin siyang nag-sorry.

Narito ang kabuuan ng kanyang bagong post:

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Read also

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert.

Agad din umanong nag-sorry si Zeinab sa mga taong nabanggit din ni Wilbert sa naturang rebelasyon. Naglabasan din agad ang mga naging pahayag ng mga taong nakasama ang pangalan sa kontrobersyal na video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel