Mona Alawi, tinanggihan ang magarbong debut; "Nanghihinayang lang kasi ako"

Mona Alawi, tinanggihan ang magarbong debut; "Nanghihinayang lang kasi ako"

- Simpleng salo-salo lamang ang hiling ni Mona Alawi para sa pagdiriwang ng kanyang 18th birthday

- Handa naman umanong ibigay ng kanyang ate Ivana ang bonggang birthday celebration ngunit inayawan ito ni Mona

- Aniya, nanghihinayang siya sa perang gagastusin nila at mas mainam na maitulong na lamang daw nila ito sa mga nangangailangan

- Tinupad naman ni Ivana ang hiling ni Mona na makasama ang kanilang buong pamilya sa pagdiriwang ni Mona ng kanyang 18th birthday

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Noong Agosto 19, ipinagdiwang ni Mona Alawi ang kanyang ika-18 kaarawan. Subalit taliwas sa inaakala ng marami, walang magarbong selebrasyon ang naganap dahil na rin sa kagustuhan ni Mona.

Mona Alawi, tinanggihan ang magarbong debut; "Nanghihinayang lang kasi ako"
Mona Alawi (Photo from Ivana Alawi YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na mas pinili ni Mona na simpleng selebrasyon lang ang gawin sa kanyang kaarawan kasama ng pamilya lamang.

Read also

Mona ngayong 18 na siya, lakas-loob na nagtanong kung pwede na siyang mag-BF

Aniya, nanghihinayang siya sa pera magagastos sa bonggang party na handa naman sanang ibigay sa kanya ng kanyang ate Ivana.

"Nanghihinayang lang ako kasi you know, we could use the money to help other people and at the same time, I'm really really happy..." paliwanag ni Mona.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I have nothing against big parties, it's nice pero ako kasi okay na ako sa tayo tayo lang kahit small party as long as we're together," dagdag pa niya.

Dahil dito, tinupad naman ng kanyang ate Ivana ang hiling ni Mona at nagtungo sila sa The Vineyard sa Batangas kasama ang kanilang buong pamilya.

Narito ang kabuuan ng video ng kanilang selebrasyon mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Payo ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya kung saan, madalas niyang kasabwat ang kanyang bunsong kapatid na si Mona.

Makikita rin sa kanyang mga vlog ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Marami ang naantig ang puso nang ibahagi ni Ivana ang near death experience ng kapatid na si Mona dahil sa pagkakaroon nito ng diabetes. Doon makikita kung gaano kamahal ni Ivana ang kanyang pamilya lalong-lalo na si Mona.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica