Arnold Clavio, nagdadalamhati sa pagpanaw ng puppeteer sa likod ni ‘Arn Arn’

Arnold Clavio, nagdadalamhati sa pagpanaw ng puppeteer sa likod ni ‘Arn Arn’

- Binahagi ng journalist na si Arnold Clavio ang kanyang tribute sa pagpanaw ng puppeteer sa likod ng puppet na si Arn Arn

- Binalikan niya ang pagiging matiyago at professionalism ng puppeteer na si Danilo Federez o si ‘Totong"

- Aniya, nasaksihan niya kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak

- Maituturing niya umanong parang kuya niya si Totong na siyang nagtanggol sa kanya sa pinagdaanang problema

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagdadalamhati si Arnold Clavio sa pagpanaw ng puppeteer na si Danilo Federez o si ‘Totong" na siyang nagbigay buhay sa puppet na si Arn Arn. Maituturing niya umanong parang kuya niya si Totong na siyang nagtanggol sa kanya sa pinagdaanang problema.

Arnold Clavio, nagdadalamhati sa pagpanaw ng puppeteer sa likod ni ‘Arn Arn’
Arnold Clavio, nagdadalamhati sa pagpanaw ng puppeteer sa likod ni ‘Arn Arn’ (@akosiigan)
Source: Instagram

Namayapa umano ang puppeteer nitong Miyerkules ng umaga ayon sa maybahay nito.

When I heard the sad news ng pagyao ni Danilo Federez o ‘Totong’ sa kanyang mga kaibigan , noong Miyerkules ng umaga , parang may part of me na nawala … Ayon sa kanyang asawa na si Marissa , alas - 4:45 ng madaling araw nang iwan niyang mahimbing na natutulog si ‘Totong’ … Pag balik niya sa kuwarto para gisingin , napakalamig na ng kanyang katawan at hindi na humihinga …

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Aniya, nasaksihan niya kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Saksi ako kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak … Galit siya pag nakikitang pinaglalaruan si Arnarn … He treated Arnarn na tila buhay na nilalang … May respeto maging sa pagpapalit nito ng damit kapag may shoot kami ng OBB …

Si Arnold Clavio ay kilala din sa bansag na Igan at nakilala bilang isang radio at TV newscaster, journalist at TV host. Isa siyang anchorman sa news program ng GMA-7 na Saksi kung saan kasama niya si Pia Arcangel. mayroon din siyang programang Dobol A sa Dobol B on DZBB kasama si Ali Sotto na napapakinggan tuwing umaga.

Kamakailan ay inalmahan niya ang fake news tungkol sa long ride news na umano'y binalita sa 24 Oras. Usap-usapan din ang reaksiyon nila ni Susan Enriquez matapos hindi nasagot ng isang field reporter ang kanilang tanong.

Read also

Awra Briguela, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome sa natatanggap nitong pambabatikos

Sa kanyang pag-galing mula sa COVID-19, naghayag ng mensahe si Arnold. Pinasalamatan niya ang lahat ng nangamusta at nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan na aniya ay kanyang naging lakas at sandigan. Para naman umano sa mga taong umasang lumala ang kanyang kalagayan at tuluyang mamatay, panalangin lamang ang kanyang maigaganti sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel