Ellen Adarna, nagbahagi tungkol sa pagkakaroon nila ni Derek Ramsay ng COVID

Ellen Adarna, nagbahagi tungkol sa pagkakaroon nila ni Derek Ramsay ng COVID

- Sinagot ni Ellen Adarna ang ilan sa mga katanungan ng mga netizens sa pamamagitan ng kanyang IG story

- Isa sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa pagkakaroon nila ng COVID ni Derek Ramsay

- Naikwento niya ang nakakatawang naging reaksiyon ni Derek nang tamaan ito ng COVID

- Naibahagi niyang sobrang nabahala ito at nagsabing mamatay na siya, kulang na lang daw ay gumawa ito ng kasulatang sulat-kamay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ellen Adarna ay OA daw ang naging reaksiyon ng kanyang mister na si Derek Ramsay nang tamaan ito ng Omicron variant ng COVID. Limang beses umano siya nitong ginising at sinabing mamatay na siya.

Ellen Adarna, nagbahagi tungkol sa pagkakaroon nila ni Derek Ramsay ng COVID
Ellen Adarna, nagbahagi tungkol sa pagkakaroon nila ni Derek Ramsay ng COVID (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Dito na kaswal na nagkuwento si Ellen tungkol sa mga nakakatawang ginawa ni Derek noong panahong iyon sa salitang Bisaya.

“’Day kay ako, kalma lang talaga, but siya, best in OA, ‘I want to die,’ ganyan, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ganun siya.”

Read also

Rita Daniela sa ama ng kanyang ipinagbubuntis: "He’s a private person"

Nagsabi pa daw ito na ililipat na daw niya ang kanyang pera at assets.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“So sabay kami, natulog kami, nagpahinga. Limang beses niya ko ginising, just to tell me… ‘I’m dying,’ mamatay na daw siya, ililipat na daw niya ang kanyang pera at assets.”

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Read also

Ivana Alawi, inaming makailang beses nang naloko umano ng mga naging BF niya

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel