Ellen Adarna, binigyan ng bagong boat jet ni Derek Ramsay

Ellen Adarna, binigyan ng bagong boat jet ni Derek Ramsay

- Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya

- Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa

- Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito

- Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa Instagram story ni Ellen Adarna nitong Sabado ay makikita ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Aniya, hindi na siya nasorpresa dahil impulsive umano ang kanyang mister.

Ellen Adarna, binigyan ng bagong boat jet ni Derek Ramsay
Photo: Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Naka-tag din si Derek sa naturang IG story. Nakalagay ang mga salitang "I did not ask for this. I'm telling mom."

Read also

Andrea Brillantes, hindi sadya ang pagbe-baby talk: "Part siya ng childhood ko na nawala"

Sa isa pang IG story na parehas binahagi nina Ellen at Derek, makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet. Base sa nakalagay na pangalan sa katawan ng jet, galing ito sa R33 Cars. Sa kanilang website ay makikitang nagkakahalaga ng 6.5 M ang Yamaha AR230 na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Matapos ang paghihiwalay nina Ellen at John Lloyd, naging karelasyon ni Ellen si Derek Ramsay at kinalaunan ay kinasal sila. Kamakailan ay umani ng komento at mga reaksiyon ang picture nila Derek at Ellen na natutulog. Buong pagmamalaki ding sinabi ni Derek na talagang maswerte siya sa kanyang maybahay.

Read also

Bernadette Sembrano, pinuntahan si Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel