Andrea Brillantes, hindi sadya ang pagbe-baby talk: "Part siya ng childhood ko na nawala"

Andrea Brillantes, hindi sadya ang pagbe-baby talk: "Part siya ng childhood ko na nawala"

- Ayon kay Andrea Brillantes, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending

- Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsasalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao

- Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya

- Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Andrea Brillantes ang tungkol sa kanyang pagbe-baby talk na aniya ay hindi niya sinasadya. Lumalabas umano iyon ng kusa lalo kapag pakiramdam niya ay naalagaan siya ng taong malapit sa kanya.

Andrea Brillantes at Ricci Rivero, chill lang sa Siargao sa kabila ng mga intriga
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya nagsasalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao.

“‘Yung pagbe-baby talk ko na palaging nagte-trending, voice ko talaga siya pero hindi siya ‘yung napipili ko subconsciously. Bigla lang siya nagsi-switch kasi nung bata ako kulang ako sa pansin — bunso ako then hindi ako lumaki sa parents ko – baby-baby talaga ako,” Brillantes said. “Minsan tsaka ko na lang siya mari-realize ‘pag inaasar na ako ng tao na nagbe-baby talk ako.”

Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye.Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Kaugnay ito sa pahayag ni Andrea kaugnay sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Matatandaang kamakailan ay hindi pinalampas ng kampo ni Andrea Brillantes ang umano'y pinapakalat na spliced video na mula sa kanyang vlog noong nakaraang taon. Ayon sa kanyang management, ginagamit umano ito sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel