Bea Alonzo, umaming tinawagan ang ex nang malasing siya

Bea Alonzo, umaming tinawagan ang ex nang malasing siya

- Umamin si Bea Alonzo na naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari

- Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex

- Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya

- Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nilinaw ni Bea Alonzo na hindi ang huli niyang ex-boyfriend ang tinutukoy niya sa tinawagan niya nang malasing siya. Aniya, agad na naka-block ang numero ng kanyang huling ex.

Bea Alonzo, umaming tinawagan ang ex nang malasing siya
Bea Alonzo, umaming tinawagan ang ex nang malasing siya (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ito ang kanyang naging tugon sa tanong sa kanya ni Francine Diaz sa bahagi ng kanyang YouTube video na "Never Have I Ever."

Read also

Bea Alonzo sa mga taong nang-go-ghost: "Be man or woman enough"

Aniya, isang beses lang naman niya nagawa iyon.

“I have pero hindi ‘yung huling ex ha. Klaruhin natin. Klaruhin po natin kasi blocked agad ‘yon e, erased agad sa phonebook.," aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matatandaang kamakailan ay masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian. Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Read also

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

Kilig overload naman para sa mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Makikita si Dominic na nakaupo habang si Bea ay naglalagay ng makeup sa kanya. Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel