Bea Alonzo sa mga taong nang-go-ghost: "Be man or woman enough"

Bea Alonzo sa mga taong nang-go-ghost: "Be man or woman enough"

- Para kay Bea Alonzo, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito

- Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres

- Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon

- Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Bea Alonzo ang guest ni Francine Diaz sa kanyang pinakabagong YouTube vlog. Dito ay naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost.

Bea Alonzo sa taong nag-go-ghost: "Be man or woman enough"
Bea Alonzo sa taong nag-go-ghost: "Be man or woman enough" (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ayon kay Bea, mali iyon dahil dapat ay magpaalam man lang sa karelasyon bilang respeto. Aniya, pwede namang nawala na yung pagmamahal o kaya ay nakahanap na ng iba ngunit sana ay maging matapang na harapin upang makapagpaalam.

Read also

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon

Aniya, huwag daw sa taong duwag magpaalam. Ani Bea, sana man lang kung yung tao ang nagloko ay siya na ang gumawa ng paraan makapagpaalam nang maayos.

Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikulaSi Bea Alonzo ang guest ni Francine Diaz sa kanyang pinakabagong YouTube vlog. Dito ay naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matatandaang kamakailan ay masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian. Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Read also

Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz

Kilig overload naman para sa mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Makikita si Dominic na nakaupo habang si Bea ay naglalagay ng makeup sa kanya. Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel