Bernadette Sembrano, pinuntahan si Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan

Bernadette Sembrano, pinuntahan si Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan

- Sa kanyang bagong vlog, pinuntahan ni Bernadette Sembrano at ng kanyang mister ang kinilalang Little Yorme na si Aaron Sunga

- Sinadya nila ito sa bahay nila sa Bagac, Bataan kung saan nakausap niya ang batang unang sumikat sa social media

- Aminado si Yorme na na-miss niya na ang kanyang mga kasamahan sa It's Showtime at hiling niya na sana ay makabalik na siya

- Abot-abot naman ang pasasalamat niya nang bigyan siya ni Bernadette ng bagong cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ang reaksiyon ni Yorme Aaron Sunga nang bigyan siya ni Bernadette Sembrano ng bagong cellphone. Pinuntahan ni Bernadette at ng kanyang mister ang kinilalang Little Yorme sa Bagac, Bataan.

Bernadette Sembrano, pinuntahan si Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan
Little Yorme Aaron Sunga (Screenshot from Bernadette Sembrano YouTube channel)
Source: Instagram

Pinakita niya ang kanyang kadalasang ginagawa sa kanilang bahay. Nagluto din ito ng itlog at hotdog na kanyang pinatikim kay Ate B.

Read also

Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime

Aminado si Yorme na na-miss niya na ang kanyang mga kasamahan sa It's Showtime at hiling niya na sana ay makabalik na siya.

Samantala, sa tulong ng Manila Bulletin ay naibigay ni Bernadette ang hiling ni Yorme na cellphone na makakatulong sa kanyang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Good to see you Yorme! Laki mo na thanks Ms Bernadette for featuring him. Mabait na bata sa murang edad nya makkita mo ng magiging responsable din syang bata paglaki. Ingat lagi Aaron nakasubscribe na kami sayo. God Bless po para sa lahat
I miss watching Yorme in Showtime. His attitude makes him shine. He is polite. I hope he'll be given an opportunity again in showbiz. He has a potential and I know he'll be successful. Thank you for this vlog Miss B.

Read also

VP-elect Sara Duterte, sinamahan ang isang estudyante sa moving-up ceremony nito

His reaction is priceless. I admire his humility and at a young age he is mature than his age. I hope he takes his education seriously.

Sumikat si Aaron Sunga dahil sa pagviral ng kanyang video kung saan nakita ang kanyang kabibohan. Matapos mag-viral, naimbitahan siya sa TV show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya ang Yorme ng Maynila na si Isko Moreno.

Kinaaliwan siya nang mapasama siya sa It's Showtime. Maging ang mga host ng noontime show ay kinagiliwan siya kabilang na si Vice Ganda. Sa katunayan, bumigkas pa ito ng tula para kay Vice.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel